Thursday, March 19, 2009

Manny Pacquiao, Nagpasulsol na Piliin ang Dos bilang Media Partner sa Laban niya kay Ricky Hatton

Mukha na naman nagbabadya ang pag-igting ng awayang Kapuso at Kapamilya dahil sa naging decision ni Manny Pacquiao na sa ABS CBN ipalabas ang kanyang magiging laban kay British Ricky Hatton na binansagang Battle of theEast and West, isang pound for pound boxing.

Napanood ko kagabi sa TV Patrol World ang naging pahayag ni Manny tungkol dito at ito ang aking napuna. Mukhang hindi masaya ang mukha ni Manny habang nagsasalita sa TV.

Heto ang kanyang naging pahayag:
Nagpapasalamat ako sa aking dating media partner. Pero ngayon, pagkatapos kong napag-isipan ng mabuti, nilapitan ko po ang ABS-CBN. Napagpasiyahan ko po na makipag-partner muli sa kanila. Sarili ko po itong desisyon. Sa ABS-CBN mapapanood n’yo ang laban ko kay Ricky Hatton at ang mga susunod ko pong laban. Asahan n’yo po na patuloy akong magbibigay ng karangalan at tagumpay po lalong-lalo na kasiyahan sa aking kababayang Pilipino. At wala pong pagbabago; ang laban ko rin po ay laban nating lahat mga Pilipino kahit saan mang sulok sa mundo. Maraming-maraming salamat mga minamahal kong kababayan.
Kasabay nito ay nagpamudmud ng copy ng press release ng ABS CBN tungkol dito sa pamamagitan ni Bong Osorio:
We are happy with the decision of Manny Pacquiao to be his partner in future fights including his Hatton match on May 2. As his former media partner, we shall support Manny’s campaign to bring honor to the Philippines and to his kababayan here and around the world. To Manny, we say, “Welcome home, Kapamilya!”
Sa palagay ng Siete Contra Dos, maaring naimpluwensiyahan si Manny ng mga taong nakapalibot sa kanya para piliin ang Dos kung saan ipapalabas ang kanyang laban. Posibleng isa na rito si Noli de Castro na madalas natin makita sa mga laban ni Manny at hindi maitatangging malakas sa Kapamilya.

Dalawang bagay o entity ang nasagasaan ni Pacquiao sa kanyang naging decision pero hindi kami naniniwala sa sinabi niya na solong desisyon niya ito. Una ay ang Solar Sports kung saan siya may kontrata. Bale ang Solar Sports ang exclusive na may hawak sa airing ng kanyang laban. Ito ang nakapaloob sa kanilang kontrata. Pangalawa ay ang Kapuso network kung saan siya exclusive talent at kumupkop sa kanya noong siya ay magtampo at itsapwera noong inaaway siya ni Korina Sanchez. 

Ayon sa Solar Sports, nagpadala daw si Pacquioa ng sulat sa kanila para sabihing ipinapakansela na niya ang kanyang kontrata with them upang sa gayon ay sa ABS CBN na sila makikipag-transaction. Idinagdag ng SS na hindi pwede ganun na lang ang gawin ni Manny dahil naniniwala sila na valid ang contract nila hanggang 6 May 2011. Hindi iyon ang tamang pagkansela dahil may proseso ito.

Nangako rin ang SS na dadalhin nila sa husgado ang kaso at pipigilan nila ang ABS CBN na ipalabas ang laban.

Dito kami nagtataka sa motibo sa likod nito, bakit kailangan pa na saktan ni Manny ang mga business partners niya sa SS kung ayon naman pala sa kontrata ay pwede siyang mamili ng network kung saan ipalalabas ang laban? Bakit kailangan pa niya ipa-kansela ang contract na lang nila ng basta-basta? Bakit hindi na lang niya pinili ang Dos pero manatili pa ring pagmamay-ari ng Solar ang laban.

Dumako naman tayo sa kaso niya sa Siete. Sabihin na natin na karapatan ni Manny kung ayaw niya ng ipalabas ang laban sa Siete. Pero tatanungin namin kung nasaan ang pagka-propesiyonal ni Manny. Isa siyang talent na Kapuso kaya nasaan ang kanyang respeto sa network na kumupkop sa kanya noong siya ay itinatapon na sa Dos. Hindi ba pinapili niya kung sino sa kanila ni Korina ang dapat maiwan sa Dos at walang takot na si Korina ang pinili nila. Sinalo siya ng Siete sa panahong iyon kaya nasaan ang kanyang pagtanaw ng utang na loob?

Naniniwala rin ako na si Manny ay mabait. Sabi nga ng coach niyang si Freddie Roach ay natatakot siya sa sobrang kabaitan ni Manny dahil posibleng abusuhin siya ng mga taong may interes. Pero isang big disappointment ito para sa mga nagmamahal sa Kapuso at Solar Sports.

Kaya hindi rin namin maiiwasan na isipin na gumana na naman ang pagiging agresibo ng Dos dito. They mean business and they don't really care kung sino ang masasagasaan. At nagtagumpay sila sa tulong ng mga taong nakapalibot sa boksingero.

Naniniwala rin ang Siete Contra Dos na hindi na naka-hindi pa si Manny dahil posibleng ang mga taong ito nga naman na kumumbinse sa kanya ay siyang mga taong tumulong at tumutulong sa kanya kahit noong nagsisimula pa lamang siya.

Hindi natin maiiwasan na isipin na ang Dos ay nasa likod ng lahat ng ito. Kailangan nga naman nilang maipalabas sa nework nila ang laban dahil siguradong papanoorin ito ng tao. Ilang beses na ito nangyari na walang hindi pwedeng tumapat sa kahit anong laban ni Manny.

Bakit matibay ang paniniwala namin na ang Dos nga ang may kagagawan nito? Simple lang. Bakit kailangan masulsulan si Manny na putulin ang transaksiyon sa Solar Sports at ilipat ito sa Dos kung pwede naman ipalabas sa Dos ang laban na pwedeng intact pa rin ang contract niya with SS? Kasi kung ang SS pa rin ang may exclusive right sa video, siguradong GMA ang pipiliin nilang channel dahil na rin sa kasunduan na nila noon pa. Walang rason na hindi sa GMA ipalalabas ang laban kung sa SS pa rin ito.

Pera-pera na nga usapang ito at dahil dito maraming bagay ang di narespeto. At dahil sa isyung ito, naniniwala kami na isa naman itong desperate act of Dos to control the ratings. Disappointed din kami kay Manny dahil hindi siya marunong ipaglaban ang gusto niya at nagpapahawak talaga sa leeg sa mga taong nakapalibot sa kanya kahit masagasaan na niya ang SS at GMA na tumulong din sa kanya.

Nasaan ang loyalty at pagiging gentleman mo, Manny? Alam ko na hindi ka masaya sa inyong naging pasya pero wala ka magawa dahil sa hawak ka sa leeg.

Pero hangad pa rin namin na sana ay manalo ka sa laban mo kay Ricky Hatton dahil karangalan nating lahat kung manalo ka nga. Ipakita mo kay Hatton na kaya mo siya kahit minamaliit ka niya at sana maging tunay ka ring bayani sa mga maliliit na tao sa iyong kapaligiran at hindi lang sa lona at salita. Kung magdemanda nga ang SS, wala tayo magagawa kung maapektuhan ang inyong ensayo dahil karapatan din ng SS na ipaglaban ang karapatan nila.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO