Sunday, March 15, 2009

Most Handsome Face on Philippine TV

May mga nagtatanong sa amin sa pamamagitan ng e-mail (Para sa mga nagbabasa na may gustong iparating sa amin, hanapin niyo lang ang comment form na nasa ibabang bahagi ng aming blog. Magbigay lang kayo ng valid e-mail address para masagot din namin kayo.) kung ano na ang nangyari sa aming botohan na katumbas ng Goddess of Philippine TV. Bakit daw hindi namin sinimulan sa araw na sinabi namin kung kailan mag-uumpisa.

Ang tinutukoy ng aming senders ay ang Adonis Award na siyang male counterpart ng Goddess of Philippine TV (GPTV). Ang layunin naman sana namin doon ay ang hanapin kung sino sa mga male artist natin ang may pinaka-gwapong mukha sa telebisyon. Naisulat nga namin na magsisimula sana ito noong March 8 pero lumipas ang petsang iyon na hindi niyo nakita o narinig sa aming blog.

Humihingi kami ng paumanhin dahil naging masyado kaming abala sa isang proyektong aming tinatapos. Pero balak namin ito simulan sa susunod na linggo. Sa kasalukuyan ay meron kaming mas simpleng poll sa second column ng aming blog kung saan tinatanong namin kung sino sa palagay ninyo ang Hottest Male Star natin sa ngayon. Si Dingdong Dantes at John Lloyd Cruz ang nangunguna.

Dahil nangangamba kami na baka hindi namin maisama ang lahat ng mga artistang lalake sa kasalukuyan, hinihiling namin na mag-nominate kayo ng mga paborito ninyong male star. Hind kasi namin kilala na ang mga baguhan sa ngayon kasi matagal na rin kaming wala sa Pilipinas.

Sana suportahan din ninyo ito sa mga susunod na araw. Maraming salamat sa inyong lahat.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO