Friday, March 27, 2009

Jinky Pacquiao, Nagtatampo kay Kris Aquino na Pinagalitan naman ng Dos?

Ang naging isyu ng paglilipat sana ni Manny ng network na pagpapalabasan ng kanyang laban ang siya pa ring pinaka-mainit na paksa sa ngayon dahil nagsanga-sanga na ang istorya nitong parang soap opera. Kaya naman siya uli ang paksa din ng una naming blog entry para sa araw na ito.

Pero ang inyong mababasa ay isang inside story na posibleng hindi niyo pa narinig o nabasa sa ibang mga sites. Maraming salamat muna sa aming Pusang Gala.

Sobrang galit daw ang ilang mga executives at personalities sa Dos sa ginawa ni Manny na panlalaglag sa kanila. Ayon sa aming Pusang Gala, sobra daw napahiya ang asawa ni Manny na si Jinky Pacquiao sa nangyari kaya hindi raw sila matahimik sa pagtawag sa lahat ng mga bosses at kakilala ni Jinky sa Dos para humingi ng paumanhin pagkatapos na lumabas nga ang istorya. Hiyang-hiya daw si Jinky sa nangyari at pinag-awayan daw nilang mag-asawa ito.

Nag-sorry din daw si Manny sa top honcho ng Dos na si Gabby Lopez at may naipangako daw siya dito pagdating niya mula USA, pagkatapos ng kanyang laban. Magsasalita daw siya. Hindi pa raw pwedeng ilabas kung ano man ang pinag-usapan pero ang duda ng ilan ay tatapusin lang daw ni Manny ang contract niya sa GMA at lilipat na rin siya ng Dos.

Ayon pa sa aming nabalitaan, tikom na raw muna ang bibig ni Manny dahil pinatigil na siya ng kanyang asawa na si Jinky. "Alam niyo naman na si Manny ay sobrang masunurin sa asawa niya. Isang salita lang daw nito ay tiklop na ang boksingero. Si Jinky ang kumander at mukhang may pagka-andres (read as under the saya) naman si Manny, "dagdag pa niya.

Isang solid Kapamilya pala si Jinky at siya ang may gustong-gusto na bumalik si Manny sa Dos. Kaya naman naibalita agad niya ito kay Kris Aquino na dahil naman daw sa kataklesahan ay agad din daw ini-anunsiyo ng lady host sa Showbiz News Ngayon at parang bata pa raw na nagsayaw.

Nagalit at nagtampo si Jinky kay Kris dahil agad daw niya itong ibinalita ang naging pag-uusap nila. Kaya daw pati si Kris ay napagsabihan at napagalitan ng mga ilang executives ng Kapamilya.

Pero sa kabila ng panlalaglag ni Manny sa Dos ay hangad pa rin daw nila na sana manalo pa rin siya kontra kay Hatton na sobrang tiwala sa sarili na tatalunin niya ang Pambanasang Kamao. Kung ilalabas lang daw ng ABS CBN ang mga pag-uusap nila ni Manny ay lalong masisira daw ang imahe ng boksingero dahil sigurado daw na nagsinungaling ito. Baka daw hihintayin muna na matapos ang laban bago sila magsalita upang sa gayon ay hindi mapagbintangan ang Dos kung sakali man na matalo si Manny.

Well, maganda rin na taktika iyan ng Dos kasi kung ilalabas nga nila kung anumang ebidensiya ang meron sila, siguradong sila ang sisisihin ng publiko kapag matalo nga naman si Manny. Sa aspetong iyan ay bilib ako sa Kapamilya dahil sa kabila ng lahat ay hangad pa rin nila ang tagumpay ng isang Pilipino. Tahimik na lang daw muna sila dahil hindi naman daw sila ang lumapit kay Pacquiao. Si Manny daw ang naghabol sa kanila.

Balikan natin si Ricky Hatton, talagang kumpiyansa ang British na ito na mananalo siya. Nakakatakot ang kanyang confidence. Pero posible rin na strategy niya ito para magulo ang isip ng kalaban. Psychological war kumbaga. Balitang kinuha nila ang serbisyo ng trainers ni Mike Tyson at nasa kanilang panig din ang Pakistani-British na si Amir Khan na kung matatandaan ay nag-training under sa trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach. Hindi kaya sinadyang mag-training talaga si Khan kay Roach para pag-aralan si Manny?

Samantala, abangan ninyo ang susunod na entry ni Kuh Chara dahil meron siyang narinig mula sa kanyang Pusang Gala.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO