Sunday, March 22, 2009

Aiza Seguerra, Nahulihan ng Intimate Moment sa Dubai

Ang mababasa ninyo sa ngayon ay kwento ng isa kong kaibigan na nagbakasyon sa Dubai, United Arab Emirates. Hindi nila inaasahan na sa pagpasok nila sa isang shop ng ginto sa Gold Souq ay magkakaroon sila ng isang celebrity encounter with no less than Aiza Seguerra. Nangyari ito last February sa week mismo ng Valentines.

Ang simpleng pagwi-window shopping ay naging source ng celebrity gossip.

Siguro naman, ang pagkakaalam na ng sambayanang Pilipino kay Aiza ay isang tomboy kahit hindi pa nito diretsang inaamin. Ang pagkakaalam din natin ay may kasintahan si Aiza na babae rin na madalas natin makita sa telebisyon. Hindi rin nila tahasang inaamin ang kanilang relasyon pero sino naman ang hindi maniniwala?

Ang kuwento natin ngayon ay isang pag-amin nina Aiza at ang babae sa kanilang relasyon hindi sa salita kundi sa kanilang naging kilos sa loob mismo ng shop na Damas Jewellery.

Nang pumasok daw ang kaibigan ko sa shop ay nadatnan na nila sina Aiza, ang kanyang kasintahan at dalawang alalay (isang bakla at isang babae). Silang dalawang grupo lang ang mga tao sa loob ng shop. Hindi na nila pinansin ang dating child actress at ang entourage niya dahil ayaw nilang ipahalatang excited sila. Kumilos lang daw sila ng normal. Siguro naging palagay din daw ang loob ni Aiza at ang kasintahan niya dahil ang dalawang babaeng kaibigan ko ay magkasintahan din.

Dinig na dinig daw nila na ang tawagan nina Aiza at ang babae ay "Hon" katulad din ng tawagan nila. Naghahanap daw si Aiza ng isang bracelet na babagay sa tattoo ng kanyang kasintahan. Ang tattoo daw ay hugis bracelet sa kanang kamay ng babae.

Hindi na raw nagulat ang mga kaibigan ko na dyowa nga ni Aiza ang babae dahil sobrang halata naman daw. Ang ipinagtataka nila ay bakit na lang daw hindi deretsahang aminin ito sa mga interviews nila kasi sa mga public places naman ay wala sila limitasyon at hayagang ipinapakita sa publiko. Sa Dubai nga raw na isang Muslim country ay nagpapakita sila public display of affection, sa Pilipinas pa kaya?

**********
Balitang Dubai pa rin tayo. Mula naman sa ating Palakang Kokak, ang brand na damit na Bench ay hindi lang daw sa Pilipinas may outlet dahil meron din daw dalawa itong shop sa UAE. Isa sa Reef Mall ng Dubai at isang mas malaki sa Marina Mall ng Abu Dhabi.

Ang ipinagtataka ni Palakang Kokak, bakit daw hindi pinapalitan ang billboard ng Bench sa labas ng Reef Mall dahil since 2004 pa raw ay iyon na ang nakita niya. Larawan daw ni Richard Gutierrez ang billboard.

Dahil sa tagal na raw ng billboard ay mahahalatang luma na ito at kumupas na rin ang kulay. Halata rin daw na pinaglumaan na ito ng panahon dahil ang mga katabi niyang billboard ay regular na pinapalitan.

Ang sagot namin dyan ay part ng cost cutting ng kumpanya. LOL
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO