Thursday, February 19, 2009

GPTV Questions, Issues, Concerns and Answers

Marami kaming natatanggap na mga katanungan tungkol sa ating Search for Goddess of Philippine TV. Ilan dito ay mga nagmamaasim, ang iba ay wala lang, pero karamihan naman ay diplomatic at civil ang approach sa amin. Medyo nakahinga kami ng maluwag dahil mas marami pa rin ang mga tagahanga or mga readers natin na pinapairal ang tamang asal - which is to be diplomatic as possible sa mga bagay-bagay.

Dahil dito ay naisipan namin kolektahin ang mga iba't ibang katanungan na ito at sasagutin namin din dito sa post namin para next time, kung sakali may magtanong uli ay ituturo na lang namin ang link na ito. O di kaya, kahit sinong may magandang loob ay pwede na rin ibigay ang link ng mga sagot namin.

Ano ba ang Goddess of Philippine TV?

This is simply just a popularity contest conceptualized by a group of individuals who have directly and indirectly involved with the two leading networks, GMA 7 and ABS-CBN 2. Itong involvement na ito ay tumutukoy sa pagkakaroon namin ng chance to work in these television networks. Yes, karamihan sa amin ay nagtrabaho noong "unang panahon" sa mga nabanggit na channels. Ilan din sa mga kakilala namin ay nagtatrabaho pa rin sa dalawang istasyon sa ngayon.

Ang definition namin sa Goddess of Philippine TV ay hindi lang kung sino ang sikat sa ngayon, kung sino ang may maraming projects, kung sino ang pinapaboran ng home studio nila PERO ito ay kahit sinong artista na meron potentials, talent sa acting/dancing/singing, charisma at higit sa lahat ay may malawakang fan base.

Since this is a popularity contest, pinaka-importante dito ang mga fan bases ng isang artista na siya namin pinapag-aralan dahil sa pagmamahal namin sa industriyang ito na pinanggalingan namin.

Bakit Goddess of Philippine TV at hindi ibang name?

Habang nag-uusap kaming lahat na magkakaibigan at nagkukumustahan tungkol sa kung sino at sikat ngayon sa Pilipinas, nagkaroon kami ng konting arguments sa kung sino talaga ang matatawag na sikat na magtatagal sa telebisyon. Hindi yung sikat sa ngayon pero after 2 or 3 years ay wala na balita sa kanya. Hinahanap namin kung sino ang magtatagal at magiging institusyon ng showbiz like Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Jacklyn Jose, etc

At dahil usong-uso sa ngayon ang expression na Diyosa, naisip namin na bagay ang word na ito para i-describe ang hinahanap namin. Ang Diyosa kasi ay kahit anong mangyari at lumipas man ang panahon ay mananatili pa rin Diyosa kung siya ay isang tunay na Diyosa. In this regard we picked up its equivalent word in English which is Goddess nga. Of course yung Philippine TV ay self-explanatory na dahil ito ay sa Philippines lang.

Ano ba mapapala namin sa search na ito?

Maaring hindi niyo nakikita na may importansiya pala ang search na ito dahil maari nga namang hindi ito importante lalo na ito ay search lang ng isang blog. Pero hindi rin namin sinasabi na wala nga itong importance. Hindi namin ipinapangako na ito ay mababasa ng mga nagtatrabaho sa dalawang networks pero bakit hindi? Sa teknolohiya natin sa ngayon, madali na lang itong subaybayan ng kung sino man ang in-charge sa PR ng dalawang networks. Hindi malayo na ang ABS-CBN at GMA ay automatic nang nakakatanggap ng mga feeds from the internet na naglalaman ng mga keywords that they programmed katulad ng name ng station nila or artista nila or kung sino ang "most popular actor" o "most hated". Ilan lamang yan sa example ng mga keywords na binabantayan nila.

May dayaan ba sa pagboboto?

Since ang search na ito ay mino-monitor ng mga taong Kapuso at Kapamilya addicts, meron na kaming checks and balances para ma-prevent kung may dayaan man.

Ang poll namin ay very transparent. Makikita niyo ang result sa hosts ng aming botohan, ang Pollsb at Mister Poll. Kung ano yung boto na ibinibigay ninyo ay siya rin ang iniuulat namin at ginagawan ng analysis.

Ang poll din natin ay one vote per one IP address lang kaya makakaboto ka uli kung iba na naman ang iyong IP address.

Ilang beses pwede bumoto?

Kung babalikan ninyo ang mechanics namin sa search na ito, wala kaming binanggit na nililimitahan namin ang boto ng bawat tao. Since this is a popularity contest, gusto rin namin makita kung gaano ka-solid ang isang fan ng isang artistang kasali dito.

It's a one vote per IP address pero kung nagkaroon ka uli ng ibang IP address ay makakaboto ka uli. Kung meron kang 5 assigned IP addresses sa loob ng isang araw ay pwede ka rin bumoto ng 5 beses.

Since the poll ay hosted sa Pollsb and Mister Poll, a guest and a member in those sites can vote. So pwede ka bumoto as guest and as a member (kung may account ka) sa isang IP address.

Bakit dalawa ang poll kung saan kami boboto?

Yes, dalawa ang poll natin. Isa ay sa weekly elimination at yung isa naman ay para sa final score ng Top 10.

Yung weekly elimination poll ay ang iyong makikita sa second or center column ng blog namin. Ito yung may mga pictures yung 20 artista na naglalaban-laban. Ito yung hosted ng POLLSB.com. Ang purpose nito ay para lang malaman ang Top 10 sa bawat linggo. Para malaman natin kung sino ang Lowest 10 na matatanggal at ang Top 10 na magpapatuloy sa laban. Yung boto na nakuha ng artista dito ay valid lamang sa linggong iyon at hindi pwede i-carry over sa susunod nilang Face off or laban kung sakali naka-advance sila.

Yung isa pang poll naman ay makikita sa Menu Tab ng blog natin right after the header or title ng blog natin. Ito yung poll hosted by misterpoll.com. Ito yung walang pictures ng mga artista at simpleng listahan lang ng names nila. Ang resulta naman nito ay para sa 15% ng overall scores ng kuns sinuman ang kasamasa Final Top 10. So, kapag ang paborito niyo ay hindi nakasama sa Final Top 10, ibig sabihin, yung botong nakuha niya sa poll na ito ay wala lang.

Bakit dalawa? Gusto namin i-distribute ang boto ng mga artistang kasama sa poll namin. Gusto namin masukat talaga ang tunay na kasikatan ng isang artista. Sa pananaw namin, kung isang poll lang ito at walang weekly elimination, hindi namin mapapag-aralan ng maayos ang behaviour ng mga fans. Dito namin sinusukat kung gaano ka-solid ang mga taga-hanga.

Bakit nangunguna ang artista ito at hindi itong artistang ito na mas sikat naman?

Ang sagot dyan ay nasa mga fans na bumoboto. Since this is a popularity contest, nasusukat ang pagiging solid ng mga taga-hanga. Sino ba ang mga fans na dinadaan sa gawa ang kanilang pagsuporta sa idolo nila at hindi lang sa salita? Sino ang mas solid? Sino ang mas masipag mangampanya para ilapit sa iba pang tao ang kanilang idolo? Sino ang gumagawa ng effort para makilala talaga ang idolo nila sa mga iba pang taong hindi pa nakakakilala sa kanya? Nandyan ang kasagutan.

Kung yung idolo mo ay hindi nasa pwesto ng gusto mo, ibig sabihin ay kulang ang effort mo bilang isang tunay na tagahanga. At dahil kulang ang effort mo, nagkataon naman na meron pang ibang tagahanga na mas masipag, dedicated, solid at handang suportahan talaga ang idolo sa kahit anong laban na hindi pinipili.

Pero lagi tandaan, always be a sport.

Batid namin na marami ang mga sumusuporta sa ating poll na ito at majority comes from the following websites: laarnians.com, aicellesantosonline.com, erickabiancal.multiply.com, pinoyexchange.com, marianrivera.net, dongyanatics.org, forums.abs-cbn.com, igma.tv, pep.ph, jmshippers.com, topblogs.com.ph, nikkigil.proboards59.com, etc

Ilan lamang iyan sa na-monitor namin kaya nagpapasalamat kami. Kung may mga hindi kami nabanggit ay mangyaring ipaalam niyo lang sa amin para kayo naman ay mapasalamatan.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO