Showing posts with label Boy Abunda. Show all posts
Showing posts with label Boy Abunda. Show all posts

Tuesday, February 24, 2009

Boy Abunda, Nagalit sa Masamang Biro ni Vicki Belo


Nagalit daw si Boy Abunda sa biro sa kanya ng kontrobersyal na doktora na si Vicki Belo.

Noong nakaraang Linggo sa Showbiz Central ng Siyete habang kapanayam ni Mo Twister ang doktora, naglitanya ito na "kung gusto niyo maging kamukha si Boy Abunda, pumunta kayo sa Calayan pero kung gusto niyo maging kamukha ni Dingdong Dantes, pumunta kayo ng Belo Clinic."

Si Boy Abunda ang main endorser ng Calayan Surgicentre at si Dingdong naman sa Belo. Magkalaban na beauty clinics ang dalawa at sila ay nagpapaligsahan sa pagkuha ng mga artista natin sa ngayon na sikat upang maging endorser ng kanilang mga clinics.

Nilinaw ni Vicki Belo na biro niya lamang iyon pero nasaktan nga raw si Boy. Nakakasakit talaga ang biro na ganito lalo na at personal na kaanyuan ang tinutukoy pero knowing Boy na hindi agad-agad pumapatol sa mga intriga sa kanya, nakakapagduda ang kanyang motibo.

Ilang beses na ba nabanggit ni Boy na hindi siya marunong masaktan, madaling magpatawad at ayaw ng kagalit sa kanyang mga interviews? Pero bakit para yatang lalong ginagatungan itong isyung ito kung hindi naman pala big deal kay Boy?

Iba ang naiisip namin. Maganda nga namang promotion ito sa bagong show nina Boy at Kris Aquino na Showbiz News Ngayon. Hindi ba't sinabi ni Kris na isa sa reason niya para makipagbati kay Vicki Belo at ma-interview ito ay para mapataas ang rating ng show nila?

Hindi kaya ginagatungan din lang ang isyung ito para lalo na rin mapag-usapan o abangan sa SNN kung ano ang magiging sagot ni Boy? There's something fishy here.

Pero aminado rin ako na naging taklesa si Vicki tungkol sa birong ito. Kung iisipin mo kasi parang sinasabi ng doktor na pangit si Boy. Hindi kasi magandang biro o gawing katatawanan ang personal na kaanyuan ng isang tao. Although naiintindihan ko na biro lang ito, mas mabuti na lang kung hindi ito ginawa on national television kundi sa umpukan na lang ng mga magkakaibigan.

Hati ngayon ang mga artista natin tungkol sa kanilang nararamdaman at pati na rin ang mga tagapanood. May nagagalit kay Vicki at meron naman nagsasabing wala namang masama sa bagay na ito dahil endorser nga naman daw si Boy ng Calayan. Kung ipapakita daw ni Boy na galit siya sa birong ito ay parang sinabi na raw niya na mas magaling nga ang Belo Clinic. Dapat daw ay panindigan ni Boy ang kanyang pagiging main endorser at ipangalandakang "Sige, kung gusto niyo maging kamukha kayo, lahat pumunta na ng Calayan dahil talagang gaganda kayo katulad ko!" O di ba, ang taray na comment iyan mula sa isang taong sumusubaybay din sa isyung ito?

For sure, may aral din dito na napulot ng mga taong kasangkot lalo na ang Calayan Surgicentre.

Ang tanong magiging malaki nga bang isyu ito o agad din mamamatay? I doubt kung iingay nga ito.

READ MORE >>

Friday, February 20, 2009

Sawa Factor at Nega Image ni Boy Abunda

Aware kaya si Boy Abunda na nega ang dating niya ngayon sa karamihan. Hindi lamang iyan kundi may sawa factor na rin sa kanya ang mga manonood?

Madalas ko itong mabasa at mapakinggan sa mga usap-usapan na marami na ang hindi natutuwa sa talent manager cum host ng ABS-CBN.

Noong nagsisimula si Boy sa bakuran ng GMA ay isa ako sa natutuwa sa kung anong klaseng host siya dahil malalim ang kanyang pagtatanong. That time kasi ay hindi ganito kaseryoso ang pag-iinterview sa mga artista. Ang sikat kasi noon ay si Cristy Fermin na puro tsismis lang ang iniuulat ng kanyang mga talk shows.

Pero hindi na ito nagugustuhan ng mga manonood. Marami na ang nagpapahayag na nagsasawa na sila sa style na ito ng talent manager.

Sa aking punto de vista, masyado kasi ibinabad ng Channel 2 si Boy simula nang lumipat siya sa Kapamilya. Masyado siya ginamit at halos araw-araw ay ang mukha niya ang masisilayan mo sa telebisyon. Sa loob ng halos isang dekada na ganyan ang nakikita mo sa iyong idiot box, sino ba naman kasi ang hindi magsasawa?

Lately, isa rin si Boy sa mga sangkot sa mga kontrobersiya na nagbigay sa kanya ng negative image sa mga mga tao. Partikular na dito ang pagkakasangkot niya sa interview ni Karylle na iniyakan ni Marian Rivera at ang binibitin-bitin niyang pagdedemanda kay John Lapus.

Hindi nagustuhan ng mga fans ng number one loveteam ng Kapuso ang pagtatanong ni Boy kay Karylle kung buntis nga ba noon si Marian. Hindi maikakaila na nagbigay ito ng bad impression sa kanya. Alam ni Boy na tsismis lang iyon at walang basehan pero pinili niyang magpakontrobersyal nang magpasya siyang itanong ito kay Karylle. Una, alam ni Boy na may tension sa pagitan ng anak ni Zsa Zsa Padilla at Marian at that time at kung itatanong niya iyon ay lalong magkakagulo ang mga involved na partido. Pangalawa, personal na bagay iyon na hindi dapat itinatanong sa ex-girlfriend ng itinuturong boyfriend ng taong sentro ng usapan. That's very unethical as a journalist. Hindi ko lang alam kung naisip iyan ni Boy. Pero the damage is done 'ika nga. Kinamuhian lalo ng mga manonood ang host.

Tungkol naman sa planong pagdedemanda ni Boy kay John Lapus, mukhang dehado siya dito. Dahil nega ang kanyang image sa ngayon, mas marami ang nakikisimpatiya kay John o Sweet. Kung sakaling ituloy nga ni Boy ang demanda, maaaring mas darami pa ang manonood ang lalong maiinis sa kanya, bagay na hindi maganda sa kanyang mga alagang artista.

Anyways, Boy is such a talented host. Nobody can question that. Pero naniniwala ako na magpahinga muna siya ng ilang buwan mula sa pagho-host para manumbalik ang pananabik ng mga tao sa kanya. At kung gusto niya talaga idemanda si Sweet, dapat ay gawin na lang niya at hindi binibitin ang publiko sa kanyang mga interviews.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO