Some Loopholes on Tayong Dalawa Series
Sa kuwentuhan namin ng aking kaibigan na die-hard fan ng Dos, nalaman ko ang ilang mga loopholes ng pambato ng Kapamilya network sa primetime soap opera block na Tayong Dalawa nina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Kim Chiu.
Wala kasi akong masyadong tinututukan lately na mga soap opera dahil na rin sa problema sa oras at kawalan ng medium para panoorin ito pero paminsan-minsan naman ay nakakapanood ako online.
Gusto lang iparating ng aming kaibigan na nagsisilbing Pusang Gala rin namin na imposible daw na nakalusot sa video editor ng Tayong Dalawa ang isang eksena na kung saan tinawag ng tatay ni Kim o Audrey sa programa si Gerald sa tunay niyang pangalan at hindi yung character niya bilang JR (David Garcia, Jr.)
Ang eksena ay kinakausap o kinukompronta ng Chinese father ni Kim si Agot Isidro bilang nanay. Ang dialogue daw ng gumanap na father ay "G**** ang GERALD na iyan!"
Ang pangalan na Gerald ang kanyang sinabi at hindi JR na siyang pangalan ni Gerald sa series. Nagtataka siya kung paano nakalusot sa editor at direktor ang scene na ito.
Naghihimutok din siya na hindi na raw niya nakakayanan ang akting ni Gerald sa series. Ayon sa kanya, "fanatic siya sa Tayong Dalawa at walang araw na hindi niya ito pinapanood pero kapag si Gerald na daw ang nasa screen ay nagpa-fastword na lang siya." Dagdag din niya na magaling daw si Jake.
Sagot ko naman na in fairness to Gerald ay sobrang nai-inlove ako sa facial features niya lalo na ang kanyang mga mata na parang nang-aakit. Siguro, with more workshops hindi mahirap mahalin si Gerald. Sa ganyan din namang paraan nagsimula karamihan ng mga artista natin na kinikilala nating magagaling sa ngayon.
As for Jake, hindi ko pa kasi masyado nakikitaan ng matitinding eksena pero may potensyal din naman siya. Kaya hindi pa ako maka-agree sa kanya kung magaling na nga siya.
Sa ngayon ay hinihintay ko ang kanyang kasagutan kung tinanggap na ba ng consul ng US ang suhol o bribe na ibinibigay sa kanya ng pamilya ni Kim o Audrey. Tungkol pa rin ito sa show, huh.
Sabi niya kasi na mawawalan daw siya ng tiwala sa writers ng Tayong Dalawa kung sakali man na tinanggap nga ng Amerikano ang bribe. Ang banat niya, conscious at may effort daw ang American government na palabasin sa mga movies and TV shows na hindi nasusuhulan ang kanilang mga government officials. Kaya imposible raw na masuhulan sila sa halagang 10 million pesos.
Hindi kaya mas mahal lang ng aming kaibigan ang Amerika kaysa sa lupang kanyang sinilangan?
Tama ba ako Sibwakle? Tignan natin ang susunod na kabanata.