Formal ng na-announce ng mga executives ng Kapuso network ang mga soap opera na susunod na gawin ng dalawang sa leading actors nila na sina Dingdong Dantes at Mark Anthony Fernandez.
Dingdong will star in the Pinoy adaptation of the hit Koreanovela, Stairway to Heaven, as Cholo. Mark Anthony, on the other hand, will be Carla Abellana's screen partner for the remake of the popular Mexican soap, Rosalinda. He will play the role of Fernando Jose.
Pero mukhang mas marami yata ang hindi satisfied dito kaysa sa mga fans na natutuwa. Ayon sa mga nagpo-protesta, mismatch daw ang dalawa sa kanilang assigned roles at dapat may switching na mangyari. Mas bagay daw si Mark Anthony as Cholo dahil may pagka-tsinito ito at mas malalim ang kanyang akting kumpara kay Dingdong.(Ganun? Hmmm, papayag kaya ang mga fans ni Dingong dito?)
Ang Stairway to Heaven daw kasi ay sobrang heavy na facial expressions ang paghuhugutan ng emotion para sa soap. Lamang daw si Mark kaysa kay Dingdong sa aspetong ito.
Samantala, sobrang bagay naman daw kay Dingdong ang papel na Fernando Jose dahil mestiso siya at may pagka-coño na siyang papel ng bidang lalaki ng Rosalinda. Isa pa ay mas may chemistry ang Dingdong-Carla Abellana kaysa Mark Anthony-Carla. Mukhang wala daw kilig ang Mark at Carla. (Papayag din kaya ang mga fans ni Mark dito? Hmmm)
Aminado ba kayo dito? Sang-ayon ba kayo?
Mula pa sa mga fans, dapat i-consider ito ng maayos ng GMA network para naman mas lalong gaganda ang kanilang palabas na tinatalo na raw lately ng mga soaps ng Dos. Kaya daw konti na lang ang lamang ng mga soaps ng Siete sa ratings dahil mukhang wala daw kasi bago sa Kapuso channel.
READ MORE >>