Wednesday, April 29, 2009

Philippine Top 25 Female Young Stars

Muli naming ipinakikilala sa inyo ang mga artistang Kapuso at Kapamilya na nakapasok sa Final Top 25 ng ating Philippines Top 100 Female Young Stars kung saan ang top winner ay magiging Goddess of Philippine TV.

Pagkatapos ng Second Face-off or Elimination ng ating search kung saan 390,812 votes ang aming natanggap, 13 Kapamilya at 12 Kapuso ang pinili ng publiko o mga readers natin upang makasali sa Final Top 25.

At dahil Siete Contra Dos and ating tema, the Kapamilya prevailed in this round.
Para sa mga bago lang sa ating blog, nagsimula ang ating search o botohan sa First Face-off o Elimination kung saan 100 (50 Kapuso at 50 Kapamilya stars) ang isinilang sa  eliminasyon noong 14 February.

FIRST FACE-OFF: Sa loob ng limang linggo, sampung artista sa bawat network ang isinalang bawat linggo at ang mga nakapasok sa Top 10 (in a particular week) ang mga umabante. Sila ang bumuo ng GPTV Top 50.

In this round, the Kapuso is the run-away winner dahil out of 50, 36 lahat ang galing sa Siete. 14 lamang ang galing naman sa Dos.

SECOND FACE-OFF: Nagsimula naman ito noong March 23 at tumakbo uli sa loob ng limang linggo. Sa 14 na entries ng Dos, isa lang ang hindi nakapasok sa Final Top 25 sa katauhan ni Riza Santos.

FINAL TOP 25: Dahil 25 na lamang ang natitira, lahat sila ay isasalang na natin at once sa isang botohan upang piliin ang Final Top 10. Kung dati ay "one vote per cookie" ang naging laban, ngayon naman ay sisikapin nating maging ONE VOTE PER COMPUTER na lamang.

Tatakbo rin ang round na ito ng mas maigsing panahon. Kung dati ang bawat round ay inaabot ng isang buwan at isang linggo, ngayon ay magiging isang buwan na lamang siya pero mahaba pa rin na panahon ito para maikampanya ninyo ang inyong mga idolo.

Sa round na ito ay ang pagpasok muli ng ating panel of judges na binubuo ng sampung katao na nagkaroon ng connection, direct and indirect, sa media. Ang mga rating ng ating judges para sa nalalabing 25 artists ay 25% ng final score nila sa round na ito. Ang 75% ay manggagaling sa boto ninyo.

Pagkatapos ng isang buwan, kung sinuman ang nasa Top 10 ang siyang magpapatuloy sa ating search for the Goddess of Philippine TV.

Gusto rin namin pasalamatan ang lahat ng mga fans para sa ipinakita ninyong dedikasyon sa inyong idolo. Batid namin na mainit ang inyong mga diskusyon kaya asahan ninyo na isa sa mga araw na ito ay ilalabas namin ang aming saloobin sa inyong mga katanungan.

Isa lang ang pakiusap namin na hinay-hinay lang tayo sa mga name callings dahil tao rin ang mga artistang ito na nakakabasa sa inyong mga mensahe.

Ipakita natin ang paghanga sa isang artista ng hindi nakakaapak sa isa pang artista.

NEXT UPDATE: The final list of the 15% poll. This is the aggregate votes from Mister Poll, Poll Daddy Part 1 and Poll Daddy Part 2 na nagsara lang ngayong araw din na ito.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO