Thursday, April 9, 2009

Mo Twister to Ruffa Mae - Sino ang Mas Bastos?

Si Mo Twister ay pwedeng ihilera natin kina Richard Gomez, Kris Aquino, Annabel Rama, Gretchen Barreto at ilan pa. Siguro ang tanong ninyo, "In what way?".

Sa mga kakilala ko sa showbiz (Hindi ibig sabihin ay kaibigan, huh.) ang mga nabanggit ko ang mga may image na "taklesa" o mga artistang masyadong prangka at walang inhibitions kung magpahayag ng kanilang nararamdaman. Ganyan si Mo, lalo na ngayon, na sinagot rin niya ng patutsada ng kanyang co-host at kaalitan na si Ruffa Mae Quinto.

Ayon sa interview ni Dolly Ann Carvajal, ang sentimiyento nito ay si Ruffa Mae daw ang "bastos" at hindi siya.

Sabi ni Mo, nagagalit si Ruffa Mae sa kanya at tinawag siyang bastos dahil idinamay pa raw ang kanyang pangalan sa pagtatanong nito sa ex-girlfriend ni Hayden Kho (?) na si Dra. Vicki Belo nang mag-guest sa Showbiz Central ang huli.

Ang depensa ni Mo, sino daw ang mas bastos sa kanila ni Ruffa Mae, siya na ganun lang ang ginawa o ang komedyana na nagpa-interview pa raw sa kalaban nilang talkshow na The Buzz para sabihin lang ang galit niya sa mundo? Nasaan daw ang tama doon sa paglabas sa programa na direct competitor ng programa niya?

Dagdag ni Mo, unfair daw si Ruffa Mae sa mga audience dahil nag-e-expect siya na kumita ng milyones mula sa showbiz pero nagagalit daw siya kapag tinatanong siya sa mga issue involving her.

In fairness, with all honesty, may punto nga naman dito si Mo. Ewan ko ba dito kay Ruffa Mae na sobrang sensitive lately sa mga isyung kinasasangkutan? Ruffa Mae, please take stress tabs.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO