Friday, April 10, 2009

Miss Philippines World 2008 Danielle Castano Involves in a Catfight in Boracay

Umamin na ang beauty queen at Miss Philippines World 2008 na si Danielle Castano sa reporter na si Lhar Santiago na siya ang nasa isyung sabunutan at sampalan na naganap noong Martes sa Boracay sa Aklan.

Pero iba ang interpretasyon na makukuha ng viewers ng TV Patrol World kung napanood nila ang segment na ito, ayon sa aming Pusang Gala. Kulang daw ng research at footage ang ipinakita sa evening newscast ng Dos dahil si Maggie Wilson ang iisipin ng makakapanood na siya ang nakipag-sampalan at sabunutan dahil siya lang ang ipinakita sa camera.
Inawat daw kasi ni Maggie ang kaibigang lalake na galit na galit sa crew ng TV Patrol World dahil kinuhanan nila ng footage ang pagpunta nila sa police station. Mukhang susugurin daw kasi ng nasabing lalake ang cameraman kaya si Maggie na mismo ang nakiusap sa ABS CBN na hwag na lang kuhanan ito para hindi na raw lumaki. Ang pakikipag-usap na ito ang siyang ipinakita sa news report nga ng TV Patrol.

Ayon naman kay Danielle, na in fairness ay lumaban ng husto noong Miss World 2008 sa South Africa, self-defense ang kanyang ginawa sa kaaway.

Si Maggie Wilson ay kaparehas ni Danielle na naging Miss Philippines World.  2008 si Danielle at 2007 naman si Maggie. Si Danielle ay hindi original sa crown dahil namana lamang niya ito nang mag-resign ang youtube sensation na si Janina San Miguel na siyang original.

Ano ba yan? Puro away ang naririnig natin ngayong Semana Santa sa Boracay. Hindi kaya isang araw ay magising at magalit ang mga engkantadang natutulog sa isla at sila ay parusahan sa pamamagitan ng pagbaha sa isla hanggang ito ay maging pangit na beach sa paningin ng mga turista? Tapos ito ay magiging ghost island na lang.

Charing lang yung mga engkantadia pero posibleng mangyari. Hindi ba?

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO