Sunday, April 12, 2009

GPTV Easter Sunday Updates

Medyo mahaba rin ang pahinga namin dahil sa Semana Santa kaya naman na-miss namin kayong i-update sa mga nangyayari sa ating mga polls dito sa Siete Contra Dos.

WEEKLY ELIMINATION: Sa nangyayari na face off ngayong linggo na ito, hindi na natinag pa sa unang pwesto si Marian Rivera simula sa unang araw. Kahit magpahinga na siguro ang kanyang mga taga-hanga sa pagboto sa kanya hanggang bukas ay sigurado ng makakapasok ang dalaga sa prestigious Top 25.

Dumating din sa punto na nanganib ma-eliminate si Toni Gonzaga, ang pambato ng Dos sa grupong ito pero nag-rally ang kanyang taga-hanga upang maibalik siya sa Top 3.

Si Jewel Mische naman ay suportado ng maigi ng kanyang taga-hanga dahil tulad ni Marian ay walang naka-agaw sa kanya sa pangalawang pwesto. Sa katunayan, muntikan pa niyang masulot ang number spot mula kay Marian.

Iisa pa rin ang trend natin sa linggong ito. Katulad noong dalawang linggong nagdaan, hindi natitinag ang nasa number spot at malayo ang agwat nito sa kalaban. Lahat din ng mga talents ng Dos ay pasok sa Top 5 dahil sa tingin namin ay mas solid sila sa pagboto.

Bukas na magtatapos ang eliminasyon na ito at magsisimula na naman ang labanan ng bagong batch.

POLL DADDY: Dahil sa dami ng reklamo na aming natatanggap sa ating Poll Daddy, minabuti namin na palitan ito kung saan lahat ng boto sa mga idols ninyo ay magsisimula uli sa zero.

Pero hwag kayo mag-alala dahil kung anuman ang mga botong natanggap namin sa unang set sa Poll Daddy ay kasama pa rin sa bibilangin namin.

Kaya kapag kukunin na namin ang 15% ng final scores ng inyong idolo sa Final Top 10, kukunin namin ito sa sum ng tatlong botohan - Mister Poll, first set sa Poll Daddy at ang current set (ng Poll Daddy pa rin) na kasalukuyan makikita niyo sa right column ng ating blog.

Sa mga nagrereklamong hindi pumapasok o nababawasan ang kanilang boto, nagsagawa kami ng test para dito. Natuklasan namin na lahat ng boto ay pumapasok at hindi totoong nababawasan ang boto ng kahit sinong artista na nasa listahan.

Pinatotohanan din ito ng customer service ng Poll Daddy kung saan namin ginawa ang nasabing poll. Ipinarating namin sa kanila ang inyong mga hinaing.

At ayon na rin sa ilan sa inyong bomoboto, hindi rin nila naranasan ang problemang ito.

ANNOUNCEMENT: Sa April 29, ito ang araw ng pagsisimula ng botohan sa Top 25 upang  piliin natin ang mga artistang papasok sa Final Top 10, wala ng magaganap pa na weekly elimination. Lahat ng 25 na artistang matitira ay sabay-sabay ng isasalang sa botohan.

Sa petsa ding iyan magtatapos ang botohan para sa 15% ng final scores ng makakapasok sa Final Top 10.

At kung ONE IP ADDRESS, ONE VOTE ang ating naging batayan sa mga naunang elimination rounds, sa April 29 ay magiging ONE COMPUTER ONE VOTE na lamang siya.

Mas hihigpitan na natin ang botohan dahil Top 10 na ang ating pinag-uusapan.

Maraming salamat sa inyong lahat. Kung anuman ang inyong mga katanungan, hwag kayong mahiyang iparating sa amin.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO