Saturday, March 7, 2009

Na-disqualify ang Isa sa Pinakamalakas na Kandidata sa Bb Pilipinas

Nakakalungkot naman ang patuloy na pulitika sa Binibining Pilipinas 2009 na gaganapin bukas. Taon-taon na lamang ay merong mga desisyon ang mga namamahala sa pageant na ito na talaga naman questionable. Masisisi ba natin ang mga fans ng mga beauty pageants na nangangalaiti sa galit dahil sa tingin nila ay hindi tayo umuunlad sa larangan na ito dahil sa mga personal na interest ng ilang tao sa likod ng Binibini?

Ngayong taon ay nakakagulat ang ginawa nilang pag-disqualify sa isa sa may pinakamalakas na kandidata na pwede mo talaga ilaban na taas ang noo kahit sa Miss Universe man, Miss World o Miss International.

Si Sandra Inez Seirfet ang aming tinutukoy na hindi na pinayagan magpatuloy sa pageant, dalawang araw na lang ang natitira para sa finals. Si Sandra ang kandidatang ipinanganak sa Taiwan, nag-aral sa USA, may amang German at nakakapagsalita ng apat na lengguwahe - German, French, English, Filipino at Bisaya.

Napaka-talented ni Sandra at nakakagulat talaga ang balita. Isa siyang model at naging representative ng Pilipinas noong 1998 sa Elite International Model Search na ginanap sa France. She just turned 25 years old last February 1.

Ang naging dahilan daw ng kanyang disqualification ay dahil nag-pose daw siya ng "malaswa"sa FHM Philippine edition.

Narito ang mga pictures na naging dahilan ng kanyang pagkakatanggal at kayo ang bahalang humusga:


Just click on the pictures for larger viewing.

Posibleng ginawan ng problema ang pagpo-pose na ito ni Sandra ng ilang namamahala sa Binibini na merong mga inaalagaang "manok". Natural na gusto nila ang alaga nila ang manalo sa mga titles na ipamimigay bukas. At dahil hindi pwedeng hwag na lang pansinin si Sandra ay nakakita sila ng butas para mawala ito sa pageant.

Hindi issue ang mga pictures ni sandra sa FHM. Sa katunayan, ang nanalong Miss Universe 2009 na si Dayana Mendoza ng Venezuela ay nag-pose din ng ganito at mas malala pa.
Heto ang picture ni Dayana. Ikumpara mo nga iyan sa picture ni Sandra? Kung naging Miss Universe si Dayana, bakit hindi pwede sumali si Sandra sa Binibini?

Meron akong kaibigan na naging bahagi rin ng Binibini at umamin nga siya sa akin na malakas talaga ang pulitika sa pageant na ito. Ka-batch niya noon sina Katherine Ann Manalo na isa sa mga pinaboran talagang manalo noong taon na iyon.

Nakakalungkot dahil kung si Sandra sana ay nanalo, posibleng maging malakas ang laban natin sa mga international pageants. Kailan kaya mawawala ang pulitika sa pageant na ito? Sa mga susunod na entry ko ay pipilitin kong isulat ang mga naririnig ko tungkol sa mga namamahala sa Binibini.

Kung manalo ng titles sina Regina Hahn, Abbegail Lesley Cruz at Bianca Manalo na kapatid ni Katherine Manalo, malala na talaga ang pulitika dito at ipapaliwanag ko iyan sa susunod kong entry.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO