Sunday, March 22, 2009

Manny Pacquiao, Naunawaan na ang Kontrata niya sa Solar Sports

Natapos na rin ang kaguluhan na ginawa ni Manny Pacquiao na nag-ugat sa kanyang desisyon na balewalain ang kanyang kontrata sa Solar Sports at ilipat kaagad sa ABS CBN ang coverage ng kanyang laban sa Mayo. Ipinalabas sa isang Flash Report ng GMA 7 kahapon na mananatili sa Solar Sports ang exclusive rights para sa laban ni Manny hanggang 2011 at mananatili rin na ang GMA 7 ang magiging media partner ng Solar.

Humingi ng pang-unawa si Manny sa kaguluhan na naidulot niya at pwede na raw siya mag-concentrate sa kanyang training.

Sabi ko na nga ba na pabugso-bugso ng damdamin itong si Manny. Akala niya yata ay parang boxing arena ang mga commitments niya sa telebisyon na sige na lang ng sige sa kanyang suntok.

Dahil sa paghingi niya ng paumanhin ibig sabihin na inaamin, hindi man niya aminin mula sa bibig niya, na hindi pinag-aralan ni Manny ang kanyang kontrata sa Solar Sports. Masyado niya minaliit ang mga kontratang ito.

At hindi lang iyan, malinaw na naapektuhan siya sa mga nangyayari emotionally at mentally. Siguradong hindi siya makapag-isip ng maayos sa mga nagdaang araw dahil sa banta ng mga demanda laban sa kanya.

Kung naging matigas si Manny na sa ABS CBN ipalabas ang laban niya, hindi imposibleng matulad siya kay Erik Morales noong huling laban nila (o pangalawa ba?) kung saan natalo ang Mexicano. Matatandaan na bago dumating din ang laban nina Erik at Manny noon ay problemado rin si Erik dahil sa asawa at sa tatay niya. Nakipag-divorce ang kanyang asawa at pinalitan ang tatay niya bilang trainer.

Kaya naman noong umakyat si Erik sa canvass, kahit sobrang gwapo niya sa suot niyang puting sombrero, makikita mo sa kanyang mga mata ang problemang pinagdaanan. Kaya natalo siya noon. Posibleng iyan din sana ang mangyari kay Manny laban kay Hatton kung hindi siya napaliwanagan. Sana nga maka-recover na si Manny agad at manalo dahil mayabang talaga ang British na minamaliit si Pacquiao.

Kung paano naayos itong gulong ito ay simple lang. Ipinaliwanag lang kay Manny ang kanyang pinirmahan na kontrata sa Solar. Lumipad mismo ang may-ari ng Solar na si Wilson Tieng at isa pang tauhan para ipaalala sa boksingero ang kontrata niya.

Ang simple di ba? May lamat na ang chance ni Manny na manalo sa eleksiyon kahit manalo pa siya kay Hatton. Bakit naman? Eh, nakitaan na siya ng publiko kung ano klase siya when it comes to decision-making. Malaking dagok ito sa kanya. And I am predicting as early as now, Manny will not win if he runs for a public position. He better review his political plans.

Heto ang naging pahayag ni Manny:
Ang inyo pong lingkod, si Manny Pacquiao, ay nais iparating sa lahat na matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang-timbang namin ng Solar Entertainment Corporation napatunayan na ang kontarta tungkol sa TV Rights ng aking mga laban ay valid and binding at hindi nilabag nino man.

Dahil po dito ay taos puso akong humunhingi ng paumanhin kung kayo man ay naguluhan kung saan ipapalabas ang aking darating na laban kay Ricky Hatton. Ito po ay resulta lang ng hindi pagkaka-intindihan sa pagitan ng Solar Entertainment Corporation at MP Promotions. Sana ay maunawaan ng lahat.

Simula sa araw na ito ay nais kong mag-concentrate ng husto na lang sa aking training para sa aking darating na laban ngayong Mayo 2.

Yan po ang mangyayari po. Ang laban po ay nanatili sa Solar Sports at ipapalabas sa GMA 7.
Sabi nga ng aking kaibigan, "masama man isipin pero parang ipinakita ni Manny ang kanyang "kabobohan". Minus point daw ito sa kanya.

Pero hinihiling pa rin ni Manny na suportahan siya at ipagdasal ng mga fans sa laban niya kay Hatton. Sa bagay na iyan ay maasahan mo kami, Manny, dito sa Siete Contra Dos.

Ang gusto namin malaman ay ang reaksiyon or statement na manggaling sa Dos.

NOTE: Nagpahayag na ang ABS-CBN na irerespeto nila ang desisyon ni Manny Pacquiao na hindi ituloy ang "pinirmahan nilang kontrata" tungkol sa paglipat ni Manny ng coverage sa Dos.

Samantala, ayon kay Joaquin Henson ng Philippine Star, wala pa raw pormal na pirmahan na naganap kina Manny at ang ABS-CBN.

Even as Manny Pacquiao announced his decision to switch media loyalties to ABS-CBN, it appears the boxing icon has not signed a contract with the giant media network.

A reliable source said yesterday Pacquiao inked a letter of intent to move to ABS-CBN and a letter to rescind his contract with Solar Entertainment but had not signed anything to formalize an agreement with the Lopez group. This was confirmed by Pacquiao’s lawyer Franklin (Jeng) Gacal who flew from Manila to the US when he found out about the decision to terminate the Solar contract early this week.

Lawyer Enrique de la Cruz Jr. explained that in the absence of a signed contract with ABS-CBN, it will be easier to facilitate a settlement with Solar.

The speculation is Pacquiao shielded ABS-CBN by affirming it was his decision to move. If Pacquiao hasn’t signed a contract with ABS-CBN, it may also be a hedge as in the event he decides to go back to Solar, he wouldn’t be violating any contract with ABS-CBN.

De la Cruz said there is an apparent attempt to make it seem like ABS-CBN did not induce Pacquiao to switch.
Pero kahit nagkapirmahan man sina Manny at ABS-CBN, legally wala pa rin contract between them dahil NULL and VOID ito dahil sa existing contract ni Manny sa Solar.

Napag-alaman din na disappointed lang si Manny sa Solar kaya niya naisipan ilipat sa Dos ang coverage. Pera ang dahilan dahil ayon kay Manny ay hindi raw nagbabayad ng tama ang Solar Sports sa kanya.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO