Karen Davila, Suspendido?
Hindi raw ngayon nakikita si Karen Davila sa early evening newscast ng Dos na TV Patrol World. Marami na raw televiewers ang nakaka-miss sa kanya.
Ayon sa tsika, kasalukuyan daw suspendido ang award winning journalist na nakilala sa Siete. She was allegedly reprimanded by the big bosses of ABS-CBN's News and Current Affairs for endorsing a certain product. Mukhang ganito rin ang kaso noon ni Mel Tiangco na naging dahilan ng paglipat niya sa Siete.
Kasalukuyang si Pinky Webb ang pumalit pansamantala kay Karen.
**********
Naiinip na ang mga fans ni Toni Gonzaga sa susunod nitong projects sa Dos at sa Star Cinema. Ang dami na raw e-mails ang natatanggap ng mother studio nito requesting them to do a movie soon for Toni and of course ang gusto nila kapareha nito ay si Sam Milby.
Mukhang binubuhay nga ang issue about Sam and Toni's past pagkatapos umamin in public na wala na ang relasyong Sam-Anne Curtis. Hindi kaya publicity na ito sa gagawin nilang movie?
Pero kasalukuyan naman ang partner ni Sam sa teleserye ay si Angel Locsin. Kasalukuyan naman daw may ginagawang pelikula ang binata at si Bea Alonzo. So, ibig ba sabihin nito ay matatagalan pa bago mapagbigyan ang mga fans dalaga na huling nakita sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya?
**********
May isang e-mail from a reader of my blog asking me of my opinions sa latest development ng away ni Annabelle Rama sa GMA network. Sumagot na kasi ang kontrobersyal na talent manager sa isang press confrence noong Biyernes and as usual, nagpakita na naman ng kawalan ng breeding ang nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez.
Nabasa ko ang ilan niyang sagot at talagang maawa ka sa line of reasoning ni Bisaya. Nakakapagtaka nga lang na marami siyang kaibigang reporter at natatakot o kumukunsinti dito. Ito ang isa sa mga masamang pangyayari meron tayo sa showbiz entertainment. It's whom you know and it's not what you know ang kalakaran. Pero kung darami pa ang tulad kong bloggers na magpahayag lang ng kanilang opinyon, posibleng malalaman nila na sobrang nega na si Bisaya sa madla.
Pero gagawan ko pa rin ng entry ang mga sagot ni Bisaya at iisa-isahin uli natin ang mga punto niyang nakakatawa. Kinakalap ko pa lang kasi ang mga pinagsasabi niya sa kanyang press conference.
*********
Sa atin namang search for Goddess of Philippine TV, mukhang marami pa rin ang nagmamahal kay Heart Evangelista despite the bad publicity she got last week. Hindi masyado naapektuhan ang dalaga sa isyung pagtanggi sa isang afternoon soap.
Tama rin siguro ang naging desisyon ng GMA na bigyan na si Kris Bernal ng isang palabas na masasabing siya talaga ang bidang babae. Meron na rin malawak na fan base ang dalaga na produkto ng Starstruck. Sana nga ay magtuloy-tuloy na rin ito para dumami pa ang mga big names sa GMA.
Isa pang Strastruck ang may potential na sumikat ay si Rich Asuncion. Marami rin ang nagkakagusto sa dalaga na taga-Bohol. Nakakabilib itong si Rich dahil napagsasabay niya ang kanyang showbiz career at ang pag-aaral. Kasalaukuyang nag-aaral din si Rich sa UP Diliman. Sana lahat ng artista ay katulad ni Rich na marunong magpahalaga sa edukasyon. Siyanga pala, bagay si Rich na gumanap bilang pangunahing bida sa Stairway to Heaven kung sakali nga na gagawan ito ng adaptation ng Channel 7. Siya yung bidang babae na nabulag at namatay sa istorya. Pwedeng sila ni Paolo Avelino.