Friday, February 20, 2009

Sawa Factor at Nega Image ni Boy Abunda

Aware kaya si Boy Abunda na nega ang dating niya ngayon sa karamihan. Hindi lamang iyan kundi may sawa factor na rin sa kanya ang mga manonood?

Madalas ko itong mabasa at mapakinggan sa mga usap-usapan na marami na ang hindi natutuwa sa talent manager cum host ng ABS-CBN.

Noong nagsisimula si Boy sa bakuran ng GMA ay isa ako sa natutuwa sa kung anong klaseng host siya dahil malalim ang kanyang pagtatanong. That time kasi ay hindi ganito kaseryoso ang pag-iinterview sa mga artista. Ang sikat kasi noon ay si Cristy Fermin na puro tsismis lang ang iniuulat ng kanyang mga talk shows.

Pero hindi na ito nagugustuhan ng mga manonood. Marami na ang nagpapahayag na nagsasawa na sila sa style na ito ng talent manager.

Sa aking punto de vista, masyado kasi ibinabad ng Channel 2 si Boy simula nang lumipat siya sa Kapamilya. Masyado siya ginamit at halos araw-araw ay ang mukha niya ang masisilayan mo sa telebisyon. Sa loob ng halos isang dekada na ganyan ang nakikita mo sa iyong idiot box, sino ba naman kasi ang hindi magsasawa?

Lately, isa rin si Boy sa mga sangkot sa mga kontrobersiya na nagbigay sa kanya ng negative image sa mga mga tao. Partikular na dito ang pagkakasangkot niya sa interview ni Karylle na iniyakan ni Marian Rivera at ang binibitin-bitin niyang pagdedemanda kay John Lapus.

Hindi nagustuhan ng mga fans ng number one loveteam ng Kapuso ang pagtatanong ni Boy kay Karylle kung buntis nga ba noon si Marian. Hindi maikakaila na nagbigay ito ng bad impression sa kanya. Alam ni Boy na tsismis lang iyon at walang basehan pero pinili niyang magpakontrobersyal nang magpasya siyang itanong ito kay Karylle. Una, alam ni Boy na may tension sa pagitan ng anak ni Zsa Zsa Padilla at Marian at that time at kung itatanong niya iyon ay lalong magkakagulo ang mga involved na partido. Pangalawa, personal na bagay iyon na hindi dapat itinatanong sa ex-girlfriend ng itinuturong boyfriend ng taong sentro ng usapan. That's very unethical as a journalist. Hindi ko lang alam kung naisip iyan ni Boy. Pero the damage is done 'ika nga. Kinamuhian lalo ng mga manonood ang host.

Tungkol naman sa planong pagdedemanda ni Boy kay John Lapus, mukhang dehado siya dito. Dahil nega ang kanyang image sa ngayon, mas marami ang nakikisimpatiya kay John o Sweet. Kung sakaling ituloy nga ni Boy ang demanda, maaaring mas darami pa ang manonood ang lalong maiinis sa kanya, bagay na hindi maganda sa kanyang mga alagang artista.

Anyways, Boy is such a talented host. Nobody can question that. Pero naniniwala ako na magpahinga muna siya ng ilang buwan mula sa pagho-host para manumbalik ang pananabik ng mga tao sa kanya. At kung gusto niya talaga idemanda si Sweet, dapat ay gawin na lang niya at hindi binibitin ang publiko sa kanyang mga interviews.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO