Saturday, October 4, 2008

A Petition to OUST Cristy Fermin

THIS IS AN OPEN LETTER TO ABS-CBN, PSN AND DZMM. I decided to write the letter in Tagalog. I make it simple.

Dear Sir/Madam:

Gusto po naming iparating sa inyong kinauukulan ang isang bagay na parang hindi natin napapansin tungkol kay Cristy Fermin.
Iisa po ang tinig ng mga tumatangkilik ng iyong mga palabas sa telebisyon at pahayagan. Ito ay ang katotohanan na lahat po kami ay hindi na nasisiyahan pa sa ginagawa ni Fermin. Malinaw po sa amin na ginagamit niya lamang ang mga pribelihiyong inyong ipinagkaloob sa kanya para sirain ang isang taong walang kalaban-laban.

Maganda sanang basahin ang mga column o panoorin ang mga palabas ni Fermin kung itong ay kapupulutan ng isang aral sa buhay or kung ito sana ay pawang katotohanan lamang. Pero dahil sa mga nangyayari, malinaw po sa amin ang gusto ni Fermin na gamitin ang kanyang mga programa para banatan at ilugmok ang isang taong pilit na nagsusumikap na hindi maiskandalo.

Ang kanyang mga pahayag ay punum-puno ng kayabangan, kasinungalingan, poot, paghihiganti at paninira sa kanyang kapwa - isang bagay na hindi dapat katangian ng isang responsableng mamamahayag kung maituturing ba nating mamamahayag talaga itong si Cristy.

Isang halimbawa dito ay ang pagbibigay niya ng kanyang napaka-brutal na pahayag laban kay Nadia Montenegro. Ang kanyang pandadamay sa isang batang paslit sa isang usapin o away ay napaka-irresponsable. Meron pa siyang ganang ipangalandakan sa mundo na dapat tinatakpan na lang sa ilong ang isang sanggol para mahugutan ng hininga. Hindi man ito ang eksaktong salita ni Cristy pero malinaw sa amin na iyan ang gusto niyang mensaheng ipalabas.

Isinisigaw naming walang kredibilidad si Cristy at ang kanyang mga ginagawa ay dapat nang maputol. Dapat na siyang mabigyan ng leksiyon. Dapat na siyang patawan ng isang karapat-dapat ng parusa.

Iisa lang po ang gusto namin, TANGGALIN si CRISTY FERMIN sa ABS-CBN, PSN at DZMM at sa lahat ng mga pahayagan kanyang pinagsusulatan.

Kami po ay magpapatanggal muna ng aming subscription sa TFC; hindi bibili ng PSN or makikinig sa DZMM hanggang hindi namin nababalitaang hindi pa tinatanggal si Cristy Fermin.

Ako po ang boses ng mga milyon-milyong Pilipino na nakakalat sa mundo na ang gusto lamang ay maituwid ang isang tao sa paraang mabigyan siya ng kaukulang parusa. Ito po ang aming panawagan para magising sa isang mulat na katotohanan na si Cristy Fermin ay hindi dapat pamarisan.

Gumagalang,

Makisig


P.S.

Sa mga gustong makatulong sa kapwa sa paraang dapat ginigising ang isang mapanirang tao, paki-forward na lang ang iyong pangalan at lokasyon sa pamamagitan ng comment at every other day ay aking titipunin ito para ma-ipublish sa aking blog. Pakiforward na rin ito sa mga kaibigan ninyo. Your comment will do.

Ang blog na ito ay para sana sa mga personal kong pananaw sa mga pinapanood ko sa ABS-CBN at GMA pero dahil sa sobarang inis na ako kay Cristy ay pansamantal ko rin itong gagamitin para maiparating sa ating lahat na kailangan nating magkaisa para kalampagin ang konsensiya ni Cristy Fermin.

Sisikapin kong mai-forward ito sa kinauukulan sa tulong ng mga kaibigang nagtatrabaho sa mga istasyong pinaglilingkuran din ng ating paksa.

Makisig

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO